Posts

One year na national state of calamity hindi kailangan – Marcos

Image
HINDI na kinakailangan pang magdeklara ng state of calamity sa buong bansa sa loob ng isang taon, ayon kay Pangulong Bongbong Marcos. “I came to that conclusion… in consultation with the DENR. Sabi hindi naman kasi extensive …highly localized ang mga damage,” sabi ni Marcos. Idinagdag ni Marcos na kabilang sa mga lugar na lubhang natamaan ng bagyong Paeng ang Quezon, Cavite at Maguindanao. “So those are the areas. It does not need to have the… Like in the Visayas, there’s no need for a national calamity,” dagdag ni Marcos. Ayon kay Marcos, magpopokus ang pamahalaan sa mga lugar na nabanggit.

Korean actor Lee Ji Han patay sa Itaewon Halloween tragedy

Image
ISA ang South Korean singer-actor na si Lee Ji Han sa may 154 katao na nasawi sa Itaewon Halloween tragedy nitong Sabado. Ito ang kinumpirma ng ahensiya ng aktor na 935 Entertainment nitong Lunes. “Actor Lee Jihan… has become a star in the sky and left us,” ayon sa kalatas ng 935 Entertainment. Si Jihan ay nakilala matapos mapasali bilang finalist ng Korean singing competition na “Produce 101” second season noong 2017. Noong 2019 nang i-launch ang kanyang acting debut sa web drama na “Today Was Another Nam Hyun Day.” Nasa 154 katao ang nasawi habang 100 pa ang nasugatan nang maganap ang crowd surge sa jampacked na Halloween event sa Itaewon district sa South Korean capital na Seoul nitong Sabado, Oktubre 29. Idineklara na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang national mourning dahilan para pansamantalang suspidihin ang airing ng mga entertainment shows sa bansa.

Danny Javier ng Apo Hiking Society pumanaw sa edad na 75

Image
PUMANAW sa edad na 75 ang miyembro ng Apo Hiking Society na si Danny Javier. Namatay ang singer-songwriter dahil sa “complications due to his prolonged illnesses,” sinabi ng kanyang anak na si Justine Javier Long sa isang joint statement kasama ang kanyang mga kapatid. “In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and strength of will intact and we know he would not have it any other way,” aniya. Hiniling naman ni Long na respetuhin ang privacy ng kanyang pamilya ngayon habang inaayos pa ang funeral ng ama. “Our family would like to thank everyone for the outpouring of love, prayers and condolences at this difficult time,” dagdag pa niya.

#PaengPH nasa West Philippine Sea na; lalabas sa Lunes

Image
NASA West Philippine Sea na ang bagyong si Paeng. Huli itong namataan 85 kilometers west northwest ng Iba, Zambales, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa 5 a.m. bulletin nito ngayong Linggo. Mas bumilis ang tropical storm habang kumikilos pa kanluran timogkanluran sa bilis na 30 kilometers per hour mula sa dating 25 kph. Inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility sa Lunes, Oktubre 31. Ang bagyo ay patuloy pa ring may taglay na hangin na 85 kph Linggo ng umaga, habang ang pagbugso ay nasa 105 kph. Habang nasa West Philippine Sea, posibleng bumalik ito sa pagiging severe tropical storm sa loob ng 24 na oras. Asahan ngayong araw na magiging maulan at mahangin pa rin.

#NasaanAngPangulo: BBM nasa #Japan nga ba sa gitna ng #PaengPH

Image
TRENDING ngayon sa Twitter ang #Japan matapos mag-guessing game ang mga netizens kung nasasaan nga ba talaga si Pangulong Bongbong Marcos sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng na sumalanta sa maraming lugar sa bansa. Naging usap-usapan kung nasaan si Marcos matapos ang isinagang full council meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council Sabado ng hapon kung saan dumalo si Marcos via zoom. At syempre, hindi ito napalagpas ng marami sa social media, lalo pa’t sa background ng pangulo ay mapapansin na wala ito sa opisina kundi sa isang house setting. Bukod sa Japan, may mga hula rin na posibleng nasa Australia o Singapore si Marcos. “Long weekend eh bat nyo hinahanap, Nagbabakasyon yung tao kayo talaga . Nasa Japan? #NasaanAngPangulo,” ayon kay Edwin Descalso. “Kaya naman pala hinahanap si Leni na private citizen na ngayon para matabunan na nasa Japan pala ang boss nila!!!! #PaengPH,” sey naman ni RobertBob24. Sigaw naman ng isang Pilosopo Tasyo: “LAB...

Kamara nakalikom ng P35M para sa biktima ni ‘Paeng’

Image
NAKALIKOM na ang House of Representatives ng P35 milyon para sa mga sinalanta ng bagyong Paeng. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, ang P45 milyon ay mula sa mga miyembro ng Kamara at pribadong sektor. Nakahanda ring amyendahan ng Kamara ang panukalang 2023 budget para makatulong sa mga apektado ng bagyong Paeng. Idinagdag ni Romualdez na naghanda ng relief mission si Tingog party-list Rep. Jude Acidre sa Cotabato, Eastern Visayas, iba pang lugar na apektado ni ‘Paeng.’ “Sa tulong ng mga kasama nating mambabatas sa House of Representatives, magsasagawa ang Office of the Speaker ng relief drive at operations para sa mga komunidad na nasalanta ng Bagyong Paeng. Maglalaan tayo ng pondo para simulan ang pagbili ng mga kakailanganing relief goods tulad ng bottled waters, canned goods, bigas at iba pang basic necessities na ipapadala sa mga apektadong komunidad,” sabi ni Romualdez. Nanawagan din si Romualdez sa pribadong sektor na makibahagi sa relief operations drive. “Sa mga nagnana...

Napagod sa break-up, Kylie ayaw muna ng relasyon

Image
WALA muna sa plano ng aktres na si Kylie Padilla ang maghanap ng dyowa dahil napagod siya sa mga relasyon na nauwi lang sa hiwalayan. Ito ang isiniwalat ni Kylie sa question-and-answer session sa kanyang mga tagahanga sa Instagram. “Do you have someone?” tanong ng isang fan. “Honestly, not looking. I think love comes when you don’t seek it out. Nakakapagod na kasi ‘yung palagi na lang nauuwi sa hiwalayan. I think I’m not up for it again,” aniya. “Have you thought of having a baby girl?” tanong naman ng isa pa. “Sometimes, but I think I’m done making kids,” sagot niya. Mayroong dalawang anak si Kylie, sina Alas Joaquin at Axl Romeo, at dating asawa niyang si Aljur Abrenica.