Posts

Baliwag lungsod na

Image
ISA nang lungsod ang Baliwag sa lalawigan ng Bulucan matapos manalo ang “yes” sa isinagawang plebisito ng Commission on Elections (Comelec). Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. Rex Laudiangco na umabot sa 17,814 residente ang bumoto ng “yes” at 5,702 ang “no” matapos ang plebisito nitong Sabado. Idinagdag ni Laudiangco na 23,562 lamang ng kabuuang 108,572 botante ng Baliwag ang lumahok sa plebisito o 22 porsiyento lamang.

10 naiulat na nasawi sa sunog sa Muntinlupa

Image
AABOT sa 10 katao ang nasawi kabilang ang isang sanggol sa sunog na tumupok sa isang residential area sa Muntinlupa City Linggo ng umaga. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy na tumupok sa isang bahay sa kahabaan ng Bruger St. sa Barangay Putatan alas-8:52 ng umaga. Itinaas ito sa unang alarma alas-9:02 n at idineklarang under control pagkaraan ng 20 minuto. Sinabi ni Fire Supt. Eugene Briones na ang mga nasawi, na nakulong sa bahay, ay magkakamag-anak. “Confirmed po na magkakapamilya at nakuha na po mga katawan nila,” aniya. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.  Samantala, tiniyak naman ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon na makakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga biktima.

Year-end bonus na P1,000 para sa senior citizen isinulong

Image
ISINULONG ng isang kongresista ang panukalang batas na naglalayong magbigay ng P1,000 year-end bonus para sa mga senior citizen. Inihain ni Quezon City 5th District Rep. PM Vargas ang House Bill 6693 o “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola” bill na naglalayong magkaloob ng dagdag benepisyo sa mga indigent senior citizen. Sa ilalim ng panukala, sakaling maaprubahan dapat matanggap ang year-end bonus ng P1,000 ang mga kwalipikadong senior citizen bago mag-Disyembre 25 kada taon. Ito’y bukod pa sa P1,000 allowance kada buwan na ipinagkakaloob sa mga senior citizen. “Our senior citizens have contributed so much to our country and most have remained capable of supporting their families and grandchildren. This holiday season, let us grant the wish of our lolos and lolas to be granted more benefits albeit through a year-end or Christmas bonus,” dabi ni Vargas.

When the head of the ‘Manila’s Finest’ shed tears in public 

Image
IT was supposed to be just another news forum hosted by the Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), of which this author happens to be the President until our guest turned so emotional and shed tears. PBGen. Andre Dizon, Director of the Manila Police District (MPD) no less, unexpectedly cried in an emotionally-charged narration of how he rose from being a poor provincial boy to the chief of police of the country’s capital city and later, as a cop, how at one point in his life, he thought his career was over. Being a co-host of our Vice President Andi Garcia, I usually get to throw the first question. I asked Dizon what went inside his head when he was informed that he would be leading the top police district in the country. He began his answer by going back to the day when he first set foot in Manila, as a young, poor boy from the province of Sorsogon. “Noong 1978, dinala po ako ng tatay ko sa Luneta galing probinsiya para magpa-picture, Di ko akalain na ‘yung eight year...

Tirador ng bading, tiklo

Image
SHOOT sa selda ang 22-anyos na binata na dinakip makaraang lasingin at pagnakawan ang bading na kanyang naka-date sa Cabanatuan City kamakailan. Nahaharap sa kasong robbery si Kevin Carlos, 22, ng Cabanatuan City. Ayon sa biktima, na hindi kinilala ng pulisya, nagkita sila ni Carlos sa motel kung saan nagkasundo silang uminom muna bago magniig. Pinabayaan niya si Carlos na magtimpla ng kanilang iinumin, sabi ng biktima. Matapos ang ilang tagay ay bigla siyang nakatulog at paggising ay wala na ang kanyang branded na bag na may laman na cellphone at pera. Nasakote si Carlos sa follow-up operation. Napag-alaman ng PUBLIKO na hindi ito ang unang beses na nambiktima ng beki ang suspek. Inamin naman ng suspek na maraming bading ang nagtsa-chat sa kanya at gusto siyang maka-date.

GF ipinaskil mukha ni Jovit sa buong bahay: ‘Para kada lingon ko andun ka’

Image
NILAGYAN ni Camille Ann Miguel ang bawat sulok ng kanilang bahay ng mga larawan ng namayapang boyfriend na si Jovit Baldivino. Sa Facebook post, ibinahagi ni Camille sa publiko na nagpagawa siya ng ilang kopya ng portrait ni Jovit para ilagay sa mga gilid ng bahay para hindi niya ito ma-miss. “Sobrang miss na kita kaya dinamihan ko para lalagay ko sa bawat gilid ng bahay para kada lingon ko andun ka,” aniya. Idinagdag ni Camille na nagpa-print din siya ng mga stickers ng pangalan ng yumaong singer. “Sticker mo naman para ilalagay ko sa sasakyan po naten love ko. Mahal na mahal po kita love Jovit Lasin Baldivino,” aniya.

Gary V. pinakalma worried na fans: ‘I’m okay’

Image
HUMINGI ng paumanhin ang singer na si Gary Valenciano sa kanyang mga supporters na nag-alala para sa kanyang kalusugan. Sa kanyang latest tweet, sinabi ni Gary na maayos na ang kanyang lagay. “Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panic. My apologies…I’m on my way to getting much better, friends,” aniya sa kanyang health update Nagpasalamat din siya sa publiko na nabahala at nagdasal para sa kanya. “Thanks for your genuine concern. We all hit moments when our bodies just need to rest and i know that’s what I need. I love you all. Thanks again. I’m OK,” sabi pa ni Gary. Matatandaan na nitong Huwebes ay nag-tweet ukol sa kanyang iniindang karamdaman. “Lord…I’m going to need your miraculous touch to get me through tonight and the next few nights to come. Help me not lose the sense and spirit of Christmas in the middle of all@ these challenges. Kindly help in keeping me healthy at all times Lord. In Your name Jesus I pray Amen,” sey niya.