Posts

Showing posts from June, 2022

1 patay, 1 pa nawawala sa lumubog na barko

Image
ISA ang nasawi habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard matapos lumubog ang pampasaherong barkong Mama Mary Chloe Linggo sa Bato, Leyte. Bago ang paglubog, isang sunog ang sumiklab sa loob ng barko na galing sa Ubay, Bohol at patungo sana sa Bato, Leyte. Nangyari ang insidente sa karagatan ng Brgy Tugas, Tugas Island at Brgy Tilmobo, Tilmobo Island, Cebu. Ayon pa sa PCG patuloy ang paghahanap sa nawawalang pasahero. “Naging mabilis ang pag-rescue sa mga crew at pasahero sa tulong ng mga motorbanca na naglalayag sa katubigan nang maganap ang insidente,” dagdag ng PCG. Inaalam pa ang sanhi ng sunog, ayon sa Coast Guard.

Climate change tunay na banta sa PH – Carlos

Image
NANINIWALA si incoming national security adviser Clarita Carlos na climate change at hindi ang territorial dispute sa China o ang Russia-Ukraine conflict, ang tunay na banta sa seguridad ng bansa. Sinabi ni Carlos na lumikha ng chain reaction ang environmental concerns na nakakaapekto sa pagkain, tao at pambansang seguridad, lalo na sa mga umuunlad na bansa tulad ng Pilipinas, na nagdadala ng matinding epekto ng global warming. Ayon pa kay Carlos, mananatiling pangako ang tinaguriang powerhouse nations na bawasan ang carbon emissions sa 2030 dahil marami sa kanila ang bumalik sa paggamit ng mga enerhiya na nakapipinsala sa kapaligiran. “India is going back to coal, some countries are going back to using fossil fuel. That is the reality on the ground,” ayon kay Carlos. “The promises of de-carbonization by 2030, 2050, they are by the wayside in the meanwhile because human survival is at the highest premium,” dagdag pa niya. Sinabi ni Carlos na dapat simulan ng gobyerno ang pag-rec...

US Supreme Court: Abortion tuluyang ibinasura

Image
ILEGAL na ang abortion sa Amerika matapos baliktarin ng Korte Suprema ang 50 taong desisyon kaugnay ng kasong Roe versus Wade. Nangangahulugan ito na bawal na ang abortion sa iba’t ibang estado ng Estados Unidos. Tinawag naman ni US President Joe Biden ang desisyon na “a tragic error”, kasabay ng panawagan sa mga estado na magpasa ng batas para payagan ang abortion. Sa makasaysayang desisyon na Roe versus Wade noong 1973, sinabi ng Korte Suprema ng Amerika na protektado ng Konstitusyon ang desisyon ng mga kababaihan na hindi ituloy ang kanilang pagbubuntis.

5-year term sa barangay officials isusulong ni BBM

Image
ISUSULONG ni President-elect ang pagpapalawig ng termino ng mga barangay officials sa limang taon. Ginawa ni Executive Secretary-designate Vic Rodriguez ang announcement matapos siyang parangalan ng 142 barangay sa Quezon City dahil sa kanyang mga achievement. “We are studying thoroughly the plus and the minuses of spending or calling for elections and there is nothing definite yet,” ayon kay Rodriguez. “But we are open to all options that are being presented to us including the possibility of passing a law and making the term of barangay captains to five years, still subject to three terms,” dagdag pa nito. Ayon kay Rodriguez, na dati ring barangay captain, ang pag-amyenda sa termino ng mga opisyal ng barangay ay makatutulong para maisaayos ang pamamahala sa barangay. Maiiwasan din ang nakagiwaang pag-postpone sa barangay elections. “For me as a former barangay captain, I think mas may wisdom na gawin nating five years ‘yan kesa extension, extension, extension, and extension be...

Kotse vs tricycle: 3 todas

Image
PATAY ang tatlong sakay ng tricycle, kabilang ang isang-taong-gulang na bata, nang banggain ng kotse sa Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes, June 24, ayon sa pulisya. Dead on arrival sa ospital ang driver na si Jimmy Basaen, anak niyang si Jimmark, at pasaherong si Adelaida Dacuag. Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang kotse sa isang sasakyan kaya sumalpok ito sa kasalubong na tricycle. Sa lakas ng impact, parang lata ng sardinas na nayupi ang tricycle. Wasak din ang harapan ng kotse. Hindi naman nasugatan ang driver ng kotse na si Darwin James Federico, 19, na sinampahan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide. Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ni Federico kaya hindi agad ito nakapreno nang makita ang tricycle.