Kotse vs tricycle: 3 todas

PATAY ang tatlong sakay ng tricycle, kabilang ang isang-taong-gulang na bata, nang banggain ng kotse sa Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes, June 24, ayon sa pulisya.

Dead on arrival sa ospital ang driver na si Jimmy Basaen, anak niyang si Jimmark, at pasaherong si Adelaida Dacuag.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-overtake ang kotse sa isang sasakyan kaya sumalpok ito sa kasalubong na tricycle.

Sa lakas ng impact, parang lata ng sardinas na nayupi ang tricycle. Wasak din ang harapan ng kotse.

Hindi naman nasugatan ang driver ng kotse na si Darwin James Federico, 19, na sinampahan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide.

Ayon sa mga saksi, mabilis ang takbo ni Federico kaya hindi agad ito nakapreno nang makita ang tricycle.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding