Serbisyo ng opisyal at empleyado sa executive branch pinalawig

INILABAS ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular Number 12 na nagbibigay otorisasyon para mapalawig ang serbisyo ng mga itinalagang opisyal at empleyado noong nakaraang administrasyon.

“In the exigency of the service, and to ensure continuity in government operations, while promoting competence, merit and fitness in the selection and appointment of government officers and personnel of departments, agencies, bureaus, and offices in the Executive Branch, officers-in-charge (OICs) and CES (Career Executive Service) eligibles occupying CES positions are ordered to continue to perform their duties and discharge their functions,” sabi ng Memorandum Circular No. 12.

Sa kanyang kautusan, sinabi ni Bersamin na maaaring manatili ang mga opisyal at empleyado ng iba’t ibang departamento hanggang makapagtalaga ng kanilang kapalit.

“All government officials and employees covered herein shall abide by the high standard of ethics in public service and discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and patriotism,” dagdag ni Bersamin.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2