Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips
MARAMI pa rin ang nagsasabi, base sa kanilang experience at opinion, ay ang makapagtrabaho sa pinakamagandang kumpanya.
May ilang mga survey ang ginawa at kinuha nila ang mga ito sa mga sagot ng mga trabahante.
Ngunit alin o sino nga ba ang masasabi nating magandang kumpanya?
Siguro heto lang ang maitutulong ko para sa iyong pagmumuni-muni kung anong kompanya ang dapat mong pasukan:
1. Suweldo
Dapat ang halaga ng sweldo ay base sa mga factors gaya ng family expenses (needs and
priority), at lifestyle. Paano mo madedefine ito? Evaluate mo yung last time that you have spend for yourself, for your familly and your kapritso.
2. Benepisyo
Napakahalaga nito ngayon: ang health coverage. Kaya’t ito lagi ang hinahanap-hanap ng bawat trabahador.
Para lang ba sa iyo at sa mga kapamilya mo? May magandang leave benefit arrangements
ba yan? Mga vaccine coverages na tine-take ng mga employees yearly?
3. Perks
Sa panahon ngayon, importante na ata yung mga may libreng pagkain, gaya ng lunch, snacks o pakape man lang. May pa istarbaks ba ang kompanya ninyo sa mga deserving employees? O kaya naman ay pa-gym membership or arrangement? May pa-apple watch ba yan sa mga naghi-hit ng magandang performance? O di kaya ay mga incentives at dagdag bonus tuwing Pasko.
Take note friends, ang 13th month pay ay hindi bonus ng kompanya, ha? Mandated yan ng ating batas, kaya wag kayo padadala sa sinasabi ng kompanya na bonus nila yan sa inyo!
4. Being valued at work
Napakaimportante sa isang manggagawa kung ikaw ay binibigyang pahalaga ng iyong pinapasukang kompanya. Kaya ang recognition at validation kung ikaw ba ay talagang me kakayahan sa trabaho ay isang magandang practice. May career growth ka bang nakikita sa kumpanyang pinagsisilbihan mo?
5. Mga pambihirang “giveaways”
Kung may pambihirang “giveaways” ang kumpanyang pinapasukan mo at sa tingin mo ay wala ito sa iba, ang lucky mo naman!
Hindi ko siguro madedefine kung ano ito, pero kungsa tingin mo, kapag kinukuwento mo sa mga kaibigan ang mga ganap sa iyong trabaho ay napapa-wow ba sila? Yun na ‘yun.
6. Culture
Dapat alam mo rin kung family-oriented ba ang company nyo? Competitive ito sa industry ninyo? Concern ba rin ang company sa iyong health – physically and mentally Pnahahalagahan ba ng company mo ang mga milestones ng buhay mo? Toxic ba ang environment sa kompanya?
Ang kultura at values ng kumpanya ay match ba sa values mo or sa gusto mo, needs at lifestyle mo? Maaring naniniwala ka rin sa naibibigay ng company mo hindi lang sa
kanilang market value sa industry kundi pati rin sa pag-aalaga nila sa kanilang empleyado.
Marami ka pang mababasang article about “the best company to work for”. Ngunit, alam mo at masasagot mo sa sarili mo kung ano talaga yan – iyan ay kung happy ka sa pinapasukang trabaho or talagang mayroon ka pa rin hinahanap?
O siya! Sana makakatulong ito sa inyo ngayon week. Hanggang sa muli!
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com
Comments
Post a Comment