Proposed Agri budget itinaas sa P184.1B

ITINAAS sa P184.1 bilyon ang panukalang budget para sa Department of Agriculture (DA), ang kagawaran na pinamumunuan din ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay mas mataas ng P81.6 bilyon kumpara sa kasalukuyang budget na P132.2 bilyon.

Sinabi ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon 1st district Rep. Mark Enverga na itinaas ang budget ng DA ng 40 porsiyento ang itinaas ng DA budget base sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program (NEP) ng Department of Budget and Management.

“Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39 percent ang inincrease ng Department of Agriculture so this is good news to the farmers,” sabi ni Enverga.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2