Habagat’ magpapaulan sa ilang bahagi ng Luzon

MAGDUDULOT ng mga pag-ulan ang southwest monsoon o “habagat” sa ilang bahagi ng bansa, partikular na sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Batanes at Cagayan.

Apektado namang ng easterlies ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao kung kayat magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, kasama na rin ang Dinagat Islands, Surigao del Sur, at Surigao del Norte.

Samantala magiging maganda naman ang lagay ng panahon sa Metro Manila at sa iba pang parte ng bansa, na posible rin magkaroon ng localized thunderstorms.

Wala rin inaasahang papasok na bagyo sa susunod na tatlong araw.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2