Inagurasyon ni BBM posibleng ulanin

MAGIGING maulan ang maraming lugar sa bansa sa Linggo ng ito matapos mamataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang weather disturbance.

Sinabi ng PAGASA na posibleng magdulot ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa 
ang low-pressure area at ang southwest monsoon lalo na sa mga huling araw ng buwan.

Ang low-pressure area, idinagdag nito, ay maaring mabuo ngayon sa silangang Visayas at magdulot ng pag-ulan sa karamihan ng bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao. 

Gayunpaman, mababa ang posibilidad na maging isang bagyo ito.

Ayon sa PAGASA, patuloy na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, Visayas at kanlurang bahagi ng Mindanao ngayong linggo hanggang sa simula ng Hulyo ang easterlies.

Ang easterlies at localized thunderstorms ay makakaapekto rin sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa. 

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat. 

Aabot ang mga temperatura sa pagitan ng 24 hanggang 33 degrees Celsius.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2