Kris Aquino hindi matunton ng mga reporters

CLUELESS ang publiko kung saang ospital sa US naka-confine si Kris Aquino.

“Meron akong kaibigan na nasa Dallas, three hours away from Houston. Siya ay isang head nurse, pero wala siyang clue kung nasaang ospital si Kris Aquino ngayon,” ani Cristy Fermin.

Idinagdag ng veteran showbiz columnist at host na may mga TV networks na nagpadala ng kanilang reporters sa US para alamin kung saang ospital naka-admit si Kris.

“May mga nagpadala na raw ng mga reporters ng iba’t ibang network, talagang ginagalugad nila ‘yung mga ospital kung nasaan si Kris Aquino, negative,” ani Cristy.

Naniniwala naman siya na hindi talaga pinapangalanan ng mga ospital ang kanilang mga pasyente kaya walang makukuhang impormasyon ang mga reporters sa mga ito.

“Hindi rin pupwedeng sabihin kung ano ‘yung diagnosis, ‘yung treatment, ‘yung mga sinasailaliman na mga procedures kasi bawal ‘yun sa kanila dahil sa kanilang tinatawag na (Hospital Insurance Portability and Accountability Act),” dagdag ni Cristy.

Sinabi rin niya na hindi pwedeng isiwalat ng ospital ang anumang detalye tungkol sa pasyente.

“Walang kalayaan ang kahit sino na maglantad o maglabas ng balitang anuman tungkol sa isang pasyente, unless ang mismong pasyente ay nagbigay ng written consent sa ospital na pwedeng sabihin ang kanyang sitwasyon,” sinabi ni Cristy.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2