Lahar naranasan sa 3 barangay sa Sorsogon

SINABI ng Sorsogon provincial government na naranasan ang lahar sa tatlong barangay sa lalawigan dahil sa mga pag-ulan.

Kabilang sa mga inabot ng lahar mula sa Mt. Bulusan ay ang mga barangay Rangas, Anog at Calatagan sa Juban Idinagdag ng lokal na pamahalaan na kabilang sa inabutan ng lahar mula sa Mt. Bulusan ay ang Rangas, Anog at Calatagan sa Juban at Cadac-an River sa Irosin, Sorsogon.

“Nagkaroon ng bahagyang lahar flow sa mga barangay ng Rangas, Anog at Calatagan sa bayan ng Juban at Cadac-an River sa bayan ng Irosin, ngayong gabi (Linggo). Ang nasabing lahar flow ay dulot ng natenggang abo sa ibang bahagi ng Bulkang Bulusan mula sa dalawa nitong phreatic eruption kamakailan na sinabayan na rin ng malakas na pag-ulan ngayong araw,” sabi ng lokal na pamahalaan.

Nakapagtala naman ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng pitong volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2