Marcos muling nanawagan ng pagkakaisa

MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos ng pagkakaisa matapos dumalo sa kauna-unahan niyang flag raising ceremony bilang presidente sa Palasyo ngayong Lunes.

“Hindi naman kasi simpleng bagay ang trabahong ibinigay sa atin. Kaya naman kailangan natin at siguro naging tama talaga ang mensahe noong kampanya na magkaisa. Kaya’t pagkaisahan natin ito at kakayanin natin ito,” sabi ni Marcos.

Binati rin ni Marcos ang mga empleyado ng Malacanang at sinabi na masisigla ang mga ito para sa bagong administrasyon.

“And I’m very happy to see you all. Mukhang ready to go, very enthusiastic for this next administration. We need that, kailangan natin ‘yan. Keep it going. Keep up the good work that you have been doing for the years previous. And gawin lang natin ang ating mga trabaho. And siguro one or two steps beyond kung ano lang ‘yung trabaho natin dahil ‘yan ang inaasahan sa atin ng ating mga kababayan,” aniya.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2