Tips para matulungan ang anak sa pagkuha ng kursong kanilang gusto
TOTOONG hindi biro magpaaral ng anak ngayon, lalo na at maliban sa online class ang set-up (next school year hybrid na or face-to-face), talaga namang bilang magulang inaalala natin ano ang kanilang magiging kinabukasan.
Marami rin haka-haka ang bawat magulang kung anong dapat kuning career path ng mga anak ukol sa kanilang pipiliing college degree. Yung iba, dahil nakitang yumaman ang kapitbahay nung nagkaroon ng anak na inhinyero, or chef sa isang malaking hotel, kukulitin na ang kanilang anak na kunin na lang ang mga kursong tinapos ng mga ito.
So, papaano natin matutulungan ang ating mga anak sa kanilang pagdedesisyon ng kukuning kurso para sa kanilang kinabukasan? Alamin dito sa tips natin:
1. Alamin ang hilig at talento ng bata
Hindi pera ang labanan dito kung hindi ano ba talaga ang nakikita ng inyong anak na magiging kabuhayan niya five years after graduation. Ikanga nung sila ay umattend na ng kanilang grade 12, dito na nadedetermine ng mga bata kung ano talagang propesyon ang kanilang gustong kuhanin.
Huwag silang i-dissapoint, bagkus ay suportahan sila. Base sa experience ko sa pagre-recruit, maraming mga edad 23-25 years old ang hindi kumukuha ng career ayon sa kanilang tinapos. Dahilan nila ito ay kurso na gusto ng kanilang mga magulang. Kaya, hindi nila kumpiyansa kung anong karera ang kanilang tatahakin.
2. Pag-aralan career trends sa pamamagitan ng mga pagbabasa ng mga labor studies kung ano ang nakikitang magandang career ng mga bata.
Maraming reputable vlog sites at napaka-open na ng mga career talks gaya ng Jobstreet, at mga recruiting activities. I-encourage ang mga anak na magparticipate sa mga web career talks at seminars kung mayroon man.
3. Tustusan additional skills
Kung may extra budget, tustusan ang mga additional skills gaya ng personality development, vocational courses or life hack trainings.
4. Turuan ng time management, household chores
Habang summer, turuan ang mga bata sa pagma-manage ng kanilang oras sa mga household chores.
Aba, part ng work environment na dapat ang mga anak ninyo ay matuto rin ng mga hacks gaya ng paglilinis ng bahay, paglalaba, pagluluto at kung ano pa (in preparation kung sila ay makikitira sa mga office bunkhouses, or magre-rent ng dorm kasama ang mga kaopisina).
Kung kaya nilang imanage ang chores sa bahay, for sure kaya na rin nilang imanage ang kanilang guguguling samu’t saring deadlines sa mga reports at thesis pag sila ay nasa kolehiyo or unibersidad na.
5. I-enhance communication, comprehension skills
Dahil bakasyon ngayon, encourage ang mga bata na mag-aral ng mga simpleng skill gaya ng enhancing written communications (English grammars, sentence construction, etc), reading comprehension and analysis and simple mathematical problem solving.
Magagamit nila ito habang sila ay nag-aaral at magiging great asset pag sila ay magsisimula na sa kanilang career, office based man or technical works.
6. Be supportive
Huwag mamasamain kung ang gusto ng anak mo ay isang vocational course.
Maraming nakakapagtrabaho abroad na two or three years vocational or associate degree ang mga natatapos. Sila ang kadalasang nakukuha dahil immediately available ang skills gaya ng automotive technology, Electro – Mechanical Technology, Cooking, at iba pa.
Kung hindi naman talaga kaya ng budget mo at hindi naman talaga inclined ang anak mo na magtapos ng 4-year course, this is an option. Huwag papaimpluwensya sa abiso ng mga kapamilya or kakilala mo dahil sa ganito ang kanilang mga anak. Tandaan mo, mas kilala mo ang inyong anak kaysa sa kanila.
Ayan, sana makatulong ito sa ating mga butihing mga magulang. Sa mga nakapagtapos ang mga anak sa K-12 or Senior High School at maghahanap na ng eskwelahan kung saan sila kukuha ng kanilang bachelor’s or vocational degree, good luck sa inyo.
Until our next column!
Comments
Post a Comment