Romualdez nahalal bilang bagong Speaker

NAKAPANUMPA na si Leyte Rep. (1st district) Martin Romualdez bilang bagong Speaker ng House of Representatives sa pagbubukas ng sesyon ng ika-19 Kongreso.

Inihalal si Romualdez ng kanyang pamangkin at presidential son at Ilocos Norte Rep. Alexander Marcos, at nakakuha ng 282 boto, habang apat ang abstained at isang no vote.

May 22 kongresista naman ang hindi nakaboto.

Ang apat na nag-abstained at sina Makabayan bloc — Gabriela Rep. Arlene Brosas, Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro, and Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel — at OFW party-list Rep. Marissa Magsino.

Ang oposisyon na kongresista na si Albay Rep. Edcel Lagman ay bumoto ng no.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Bagets tinodas sa burol; rap battle motibo