Aftershock sa Abra quake umabot na sa 2,492

UMABOT na sa 2,492 aftershock ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology matapos ang magnitude 7 na lindol na yumanig sa Abra at maraming lugar sa Luzon noong isang linggo.

Ayon sa tala ng Phivolcs, sa 2,492 aftershocks na naitala Huwebes ng umaga, 59 dito ang naramdaman. Ang mga ito ay may magnitude na 1.4 hanggang 5.1.

Inaasahan na magkakaroon pa rin ng mga pag-uga sa mga lugar kung saan naitala ang epicenter ng malakas na lindol noong Hulyo 27, 2022.

Nasa 10 katao ang naitalang nasawi sa pagyanig.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Bagets tinodas sa burol; rap battle motibo