1,700 daga nahuli sa rat to cash sa Marikina City

UMABOT sa 1,700 daga ang nahuli sa inilunsad na rat to cash ng Marikina City.

Sa isang panayam, sinabi ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na umabot na sa P300,000 ang nagastos ng lokal na pamahalaan at inaasahang aabot pa ng P1 milyon ang isinasagawang programa sa susunod pang dalawang araw. Tatagal ang hulihan ng daga hanggang bukas.

“Kahapon ang binayaran doon sa rat to cash ay P300,000, may nagi-sponsor lang sana pero nag-disburse na rin kami kaya aabot tayo ng P1 million pero nakikita naman natin na ang kapalit nito ay pagkabawas ng kaso ng leptospiros,” sabi ni Teodoro.

Aniya, nagpapahiram ang lokal na pamahalaan ng mga mouse trap sa nais na sumali sa programa.

“Hanggang bukas, Biyernes ang program, kaya kagabi, ang daming nanghihiram ng mouse trap, nagpapahiram tayo ng mouse trap. Kung huhulihin ang daga, dapat nakaguwantes na disposable,” aniya.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2