Bakit di dapat maging kampante sa pag-apply ang dating nakapag-abroad na

MAYROON mga “ex-abroad” (sila na nakapagtrabaho na sa ibang bansa) na maayos kausap at alam ang kalakaran ng pag-aaplay sa pagtrabaho muli sa ibang bansa.

Ngunit, napapansin ko na may mga aplikanteng ex-abroad na feeling “superior race” at igigiit nila sa mga recruiter na dapat sila ang kunin para sa trabaho dahil sa kanilang past experience.

Tama naman na may mga advantage na sila sa pagtatrabaho abroad, lalo na ang bansang kanilang napuntahan ay magkakaroon na naman ng bakante na sa palagay nila ay naangkop sa kanila.

Ngunit, ito ang isang attitude na minsan ay napapangiwi na lang ako — lalo na kapag sinabi mo na hindi sila fit sa isang trabaho base na rin sa requirements ng employer.

Sa palagay ko ang pag-uugaling ganito na mapagmalaki ang dapat iwasan ng isang “ex-abroad”.

Totoo naman na sila ay isang matuturing na bayani dahil sa kanilang sakripisyo, ngunit ang ganitong pag-uugali ng mga iba ay hindi nakakaaya sa mga rason na ito:

1. Paggigiit na sila dapat ang priority na ma-hire.

May isa akong aplikante na hindi napili para mareview ng employer dahil hindi siya nag-match. Mahaba ang email na kanyang ipinadala sa akin stating na bakit dapat sya ay pinili at dahil sa 10 taon na syang nagtrabaho abroad sa posisyon na muli niyang inaplayan.

Ang malupit, nag-threat pa siya na isusumbong nya ang ahensyang pinagtatrabahuan ko dahil akala nya ay naging unfair ito sa kanya, sa katunayan daw, tatlong ahensya na raw ang naisumbong n’ya sa POEA na ngayon ay Department of Migrant Workers na.

Tandaan ninyong mga aplikante, ang mga ahensya ay may sinusunod na proseso sa kanilang kumpanya at employer upang makakuha ng trabahanteng nararapat sa kanila.

2. Magrereklamo sa procedure ng inaaplayang agency

Hindi porke’t may experience ang isang aplikante abroad ay swak na sa aplikasyon abroad, at ito ay magmamarakulyo sa ahensya, or magra-rant sa comment section ng FB page ng mga ahensya. Alam naman natin na may freedom of speech tayo sa Pinas, pero kung magrereklamo, maging marespeto pa rin.

3. Huwag masyadong magmarunong

Maliban sa sinabi ko sa item no. 1, irespeto mo ang pagtratrabaho ng recruiter na nag-iinterview sa iyo. Ang mga katulad nila ay trained at binigyan ng guide ng isang employer upang mamili ng kanilang ibibigay para sa kanilang review. Kadalasan ay ang recruiter din ang nag-e-evaluate ng behavior at ugali ng isang aplikante.

Sa susunod, pag-usapan naman natin kung ano ang nararapat na malaman ng isang aplikante tungkol sa maayos na trato ng isang ahensya sa kanilang aplikante.

Maraming salamat sa pagtangkilik ng aking ika-20 na artikulo!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2