P1K incentive sa public school teachers ngayong National Teachers’ Month

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) ngayong Huwebes na tatanggap ng tig-P1,000 bilang insentibo ang mga guro bilang bahagi ng selebrasyon ng National Teachers’ Month.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, tuloy ang pagbibigay ng World Teacher’s Day Incentive Benefit (WTDIB) sa mga kwalipikadong gruo mula sa mga pampublikong paaralan.

“Yes po. We will continue with the P1,000 incentive para sa pagpupugay sa ating mga teachers,” ayon kay Poa.

Ang National Teachers’ Month ay sinimulan nitong Setyembre 6 at magtatapos sa Oktubre 5.

Sa isinagawang kick-off event nitong Martes, pinasalamatan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga guro dahil sa kanilang sakripisyo para maturuan ang mga mag-aaral, maging online man on in-person.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2