PH humiling ng executive clemency para kay Mary Jane Veloso

PORMAL na nakiusap ang Pilipinas sa Indonesia na bigyan ng executive clemency ang Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso, ayon sa MalacaƱang.

Ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, binanggit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang hiling sa Indonesian counterpart nito noong Setyembre 4.

Naganap ang pag-uusap sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Indonesia.

“Ayon kay Minister Marsudi, ihahain nila at isasangguni sa kanilang Ministry of Justice,” dagdag ni Angeles.

“On that we can confirm because Secretary Manalo did announce that. But the talks continue. So that is the only thing that we can confirm right now,” aniya pa.

Nabigo naman kumpirmahin ng opisyal kung naging bahagi ang kaso ni Veloso sa naging bilateral talks sa pagitan nina Marcos at Indonesian President Joko Widodo.

Nauna nang sinabi ni Department of Migrant Workers Susan “Toots” Ople na si Manalo ang siyang hahawak ng kaso ni Veloso.

Bago ito ay nanawagan ang pamilya ni Veloso kay Marcos na hilingin ang executive clemency para sa Pinay death convict na 12 nang nakakulong sa Indonesia.

Naaresto si Veloso sa Yogyakarta noong April 2010 makaraang makita sa kanyang bagahe ang 2.6 kilo ng heroin.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2