Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding

HINDI na exempted sa expanded number-coding scheme ang mga senior citizens at persons with disabilities, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

“The exemption was removed because we now have window hours,” ayon kay MMDA spokesperson Crisanto Saruca Jr.

“Our number-coding is implemented only from 7 a.m. to 10 a.m. and 5 p.m. to 8 p.m. So the window hours, which are from 10:01 a.m. to shortly before 5 p.m., can be used by our senior citizens and PWDs,” paliwanag pa nito.

Sinimulan ang pagpapatupad ng expanded number coding noong Agosto 15, kasabay ng pagbubukas ng mga klase.

Samantala, bumaba na rin anya ang bilang ng mga nahuhuli na lumalabag sa number coding. Anya mula sa 1,000 huli kada araw sa unang linggo ng implementasyon ng expanded number coding, nasa 200 na lamang ito ngayon.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2