SIM card registration lusot sa House panel

APRUBADO na sa House committee on information and communications technology ngayong Lunes ang pinagsama-samang panukalang batas kaugnay ng mandatory subscriber identity module (SIM) registration na na-veto noon ni dating Pangulong Duterte.

“The mother bill is HB No. 14 filed by Speaker Martin Romualdez, the exact version approved in the last Congress,” sabi ni Navotas Rep. Toby M. Tiangco, na siyang pinuno ng komite.

Idinagdag ni Tiangco na layunin ng panukala na mapatigil na ang mga scam at kriminal na aktibidad.

Matatandaang ibinasura ni Duterte ang panukala matapos namang kuwestiyunin ang ilang probisyon nito.

Sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda na sa ilalim ng Rule 10, Section 48, maaaring iprayoridad ng Kamara ang pagdinig sa mga panukalang nauna nang nakalusot sa ikatlong pagbasa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2