Wow mali: Senate blue ribbon nag-imbita ng patay, maling eksperto

MALI ang ekspertong inimbitahan ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino para sa pagdinig ngayong Huwebes hinggil sa diumano’y overpriced na laptop na binili ng Department of Education para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Sa pagdinig na mahigit anim na oras nang tumatagal, tinanong ni Tolentino ang National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Investigation and Assessment Center Director Palmer Mallari tungkol sa mga specification ng laptop, kabilang na ang binili ng DepEd.

Ngunit ayon kay Mallari, tila mali nang pagkakaunawa ang komite sa kung ano ang kanilang trabaho o expertise.

“Ang amin pong expertise po is… actually, there seems to be a confusion. We thought that you invited us in our capacities as cybercrime investigators po,” sabi ni Mallari kay Tolentino.

“Iba po kasi ‘yung cybercrime investigations and computer hardware po,” paliwanag pa ng NBI official.

Sa kinalaunan ay nag-sorry si Tolentino kay Mallari at hindi na muli itong isinalang.

Bago pa ito, nagkamali rin ang komite sa pag-imbita sa notaryo publiko na dumalo sa pagdinig dahil patay na ito.

Ayon kay Tolentino Miyerkules na ng gabi ng malaman niya na hindi makakadalo ang resource person na isang Atty. Crisologo na inimbita ng komite dahil patay na ito.

Sa huling pagdinig noong nakaraang linggo, nabanggit ang pangalan ng isang Atty. Crisologo na siya umanong nagnotaryo ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DepEd at Procurement Service-Department of Budget and Management para sa pagbili ng laptop na nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.

“But I was informed last night that Atty. Crisologo can’t be present here today because Atty. Crisologo is already dead. So we’re trying to secure a certified copy of his death certificate and the actual cause of his death,” pahayag ni Tolentino.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2