Conversation with your young adult: Preparasyon para sa kanyang OJT

LAST WEEK, napag-usapan namin ng aking panganay ang pagpu-fulfill n’ya sa kanyang remaining requirements para sa Grade 12 – ang pagkuha ng tinatatawag na “On The Job Training” or simply OJT.

Dahil nais natin na maging kapaki-pakinabang ang matututunan ng mga papasok sa ganitong kurikula, narito ang maaring gabay na maibibigay ninyo sa inyong mga anak para sa pakikibaka nila sa mundo ng korporasyon:

1. Alamin industriyang papasukan niya

Paghandaan ang paghahanap ng industry na related sa kanyang kurso at ipra-praktis. Halimbawa, ang kursong journalism or communication arts ay swak mag-OJT sa mga news agency, broadcast media stations, advertising agencies or di kaya sangay ng isang korporasyon na tinatawag na “corporate communications.”

Dapat ma-expose siya sa tunay na set-up ng papasukin niyang industriya kapag natapos na niya ang kanyang pag-aaral.

2. Get your child ready emotionally and physically

Ihanda ang inyong anak “emotionally at physically”. Ang ibig kong sabihin dito ay pagsabihan na ang inyong anak na dapat ay masanay maging flexible at matutong makisalamuha professionally sa mga makakasama sa trabaho.

Hindi maiiwasan na sila ay uutusan upang gumawa ng menial task gaya ng photocopying, encoding, paayusin ng papeles, or magtimpla ng kape. Kung hindi sila nasasanay na mautusan, now is the best time to let them know about this.

3. Matuto sa tamang social mingling – just work.

It is good kung ang anak mo ay may mga kasamang kaklase or kabarkada sa lugar kung saan sila mag-o-OJT. Ngunit maiging matuto rin ang iyong anak na mag-headhunt ng kumpanya kung saan siya magpra-practice on his or her own.

Ipakita na siya ay ready na pumasok at kakayanin makisama sa mga estranghero ng kumpanya. Patunay ito na magiging ready ang iyong anak pagkatapos nito mag-aral. Pagsabihan siya na since young adult na siya, may pagkakataon na mayroong lalaking empleyado (kung ang anak mo ay babae), na yayain siyang magkape o magmiryenda sa labas nang sila lang dalawa. Pagsabihan ang inyong anak na pwede silang tumanggi lalo na kung ito ay maglalagay sa kanila sa awkward situation which may affect her training performance.

4. Trabaho lang, walang personalan

Pagsabihan ang iyong anak na huwag sumama sa mga pagkakataon or pangyayari na masasabit sya personally gaya ng chismis, pakikipagrelasyon sa isang empleyado ng kumpanya kung saan sya nagte-training, or social mongering. Iwasan rin mag-post sa social media at mag-badmouth tungkol sa kumpanya or empleyado ng kumpanya kung san sila nagtre-training.

There you have it! Sana makatulong ito sa inyo. Muli, sa susunod na Huwebes!


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2