Decency at sensitivity
Grand-Coming-Out-Of-Covid Party.
Yan ang hype ng Singapore sa pagbabalik ng Grand Prix matapos mag-absent ng dalawang taon dahil sa pandemic.
Isa sa pinaka-prestigious Formula 1 race ang Singapore edition.
Of course, pinaka-advance at paborito pa rin pagdating sa F1 ang race track, facilities at perks ng Morocco kaya dinadayo ito maski ng mga international celebrities.
Ang bottom line pa rin, ang F1 ay sports ng mga elitista even if pwedeng spectators ang can-afford bumili ng tickets dahil sa high adrenalin pump na ibinibigay nitong thrills.
Kaya naman inulan ng batikos si Marcos Jr. nang pumunta siya kasama ang asawang si Liza, anak na congressman na si Sandro, House Speaker Romualdez at iba pa.
Sa report ng Bilyonaryo.com nung Sept. 28, 2022, inimbitahan si Marcos Jr ni Singapore Premier na maki-party-party.
Hanggang sa nakaalis ng Pilipinas, ayaw mag-reak ng Palasyo para i-confirm kung tumuloy nga o hindi si F1 enthusiast Marcos Jr. Sabi ni Spokesperson Trixie Angeles, wala pa silang impormasyon.
Kaya naman kahit sino magdududa.
Dahil ba hindi pa alam ang sasabihin sa media at mga taong naghahanap kay Marcos Jr?
Tapos pagdating nitong Monday, Oct. 3, 2022, saka lang nag-confirm si Trixie sa kanyang FB post pa na nagpunta nga sa Singapore si Marcos Jr nung weekend.
Sabi nya, nanghikayat si Marcos Jr ng investment at productive ang pagpunta niya roon. Well and good.
Bilang patunay, inattach niya ang FB post ng pulitiko na si Tan See Leng – Minister for Manpower at Second Minister for Trade and Industry:
“#SundayswithSeeLeng
“Congratulations to Sergio Perez for winning the Singapore Grand Prix! “
“Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries (including Bongbong Marcos, President Surangel Whipps Jr., Cambodia’s Minister attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge (EDC), Keo Rottanak, Cambodia’s Minister of Commerce, Pan Sorasak, Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia, Dr Fahad Bin Abdullah Toonsi) to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race.”
“Last but not least, especially happy to have our community and tripartite leaders and frontliners at the event. Thank you for your contributions towards the fight against COVID-19 over the last 2 years.”
“I hope everyone had a chance to soak in the Singapore Grand Prix activities, whether it is the race or lifestyle experiences happening in town and within our community.”
Ministry of Trade and Industry
#SingaporeGrandPrix”
Bagay, pwede namang business with leisure ang trip para maximized ang trabaho.
Or, pwede namang leisure with business ang trip para maximized ang lakwatsa.
Sa mga simpleng golf ng mga bilyonaryo, may mga big business deals o corruption na naisasara. O kaya big-time na mga plano sa gobyerno.
Pero linawin lang natin, ang pahayag ni Tan ay congratulatory greeting sa winner ng grand prix.
Pangalawa, nagkwento siya ng kasiyahan at pasasalamat sa dignitaries na dumalo at ipinagtibay ang bilateral economic relationships at iba pa.
Pangatlo, nagpasalamat siya sa Singapore community kasama ang ilang leaders pati ang mga naitulong nila sa paglaban sa COVID-19.
Pang-apat, inasahan ni Tan na nagbabad sa Grand Prix lifestyle experience ang mga naki-Grand-Coming-Out-Of-Covid Party.
Talagang pang-rich at bilyonaryo ang ganap.
Take note sa Facebook posts ito nina Angeles at Tan sinabi na walang strength ng official statement o dignity.
Personal account ni Angeles ang FB niya. Ganun din si Tan. Informal. Cheapetic.
Sa social media na ba talaga idinadaan ang mga usaping nakakaapekto sa kabuhayan ng mga Pinoy?
Dahil bid ito ng Singapore para pasiglahin muli ang kanilang ekonomiya, natural lang magpasalamat sila sa heads of states, dignitaries at ministers as a matter of decorum dahil selling point sa kanilang event ang pag-join ng dignitaries.
Pero sa FB talaga. Best sana, pagkatapos ng three -day event, nag-closing speech si Tan para may konting respeto sa dignitaries ang sinabi niya sa post.
Si Angeles naman, walang sinabing detalye – sino nakausap ni Marcos Jr., kung meron man, ano ang investment commitment at magkano. Lumalabas na motherhood statement lang. Kumbaga mema lang (me masabi lang).
Nakapulot si Angeles ng ideya sa post ni Tan See Leng at dahil doon, sinabi nya na produktibo ang family leisure time nina Marcos Jr. sa Singapore,
Sapat na ba ang FB post para sabihing productive ang pamamasyal ng Marcos family and relatives?
Hindi. Walang ije-generate na kita sa Pilipinas ang FB post na walang detalye.
Dapat sa mismong Philippine delegation sa F1 event nanggaling yan. Lol!
Pero iniexpect ko, yan ang ikukwento ng Marcos delegation sa Singapore Grand Prix sa arrival statement lol! Na merong productive na nangyari sa paggala, malay mo.
Tama naman. Pasado 8 pm Lunes, nagpost sa FB niya si Marcos Jr.:
“They say that playing golf is the best way to drum up business, but I say it’s Formula 1. What a productive weekend!”
“It was fulfilling to have been invited alongside several dignitaries and to have met new business friends who showed that they are ready and willing to invest in the Philippines. Will be sharing more details on this at a later time.”
Tulad ng sinabi ko, kadalasan golf course may business transactions. Pero dahil level up ang yaman, Grand Prix may business transactions.
Pero ang kwento lang niya, may nakilala siyang bagong business friends na handa at willing daw mag-invest sa Pilipinas.
Dapat nating maintindihan na para may credibility ang “productive” leisure visit nina Marcos Jr sa Singapore, dapat may investment commitment kung walang concrete commitment, hindi yan productive, pambobola na lang yan para bawas konsensya.
Pero ang palusot is new business friends. Syempre wala talaga aasahang saradong usapan. Hopefully, may mas detalyadong kwento pa riyan si Marcos Jr.
Ang ginawa ng Palasyo ay damage control sa image ni Marcos na sa gitna ng record depreciation ng Philippine peso, shortage daw ng asukal, sibuyas, bawang, isdang tamban, bigas at iba pa, ay nakuha pang magliwaliw at magwaldas sa maluhong Formula 1 sa Singapore.
Kung totoo man na may business side sa Singapore leisure trip, gusto ko marinig na sinabi yan ng foreign businessmen na nakausap niya para may patunay.
Kaso parang wala namang media na nag-cover, leisure o official trip man. Sana meron.
Besides, sino gumastos sa family leisure time na yan? Sina Marcos Jr at Romualdez ba?
Anyways, wala namang pinag-iba yan dahil hindi man pera ng bayan ang pinanggastos dyan, sigurado – nakaw na yaman ng bayan ang pinangwaldas.
Tama naman ang Marcos loyalists, tao lang din siya, may K si Marcos Jr na mag-R and R (rest and recreation) o magliwaliw, dahil nasa kanya ang pinakamabigat na trabaho sa buong bansa.
Pero ngayon ba ang tamang panahon?
Ikaka-mental ba nya pag hindi siya makapanood at party-party?
Ang makasasagot niyan ay yung mga binagyo, mamimili ng sobrang mahal na commodities, lpg, tubig, kuryente, mga namamasahe sa pagpasok sa trabaho at eskwela, magsasaka na ibinalitang binabarat ang ani nilang palay ngayon, mga estudyanteng pilit na pinapa-physical attendance habang tumataas ang covid cases, yung 2.99M jobless Pinoys kasama ako, mga katutubo na sinasamantala at pinapatay, frontliners na hindi pa nakukuha ang kanilang covid benefits at marami pang iba.
Para sa akin, hindi ito ang tamang panahon ng pamamasyal.
Insensitivity yan sa matinding kahirapang dinaranas ng 19.99M o isa sa bawat limang Pinoy na nabubuhay below poverty line.
Ang poverty line ay katumbas ng P2,416.33 per month para matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilyang Pinoy sa pagkain at non-food essentials. Ayon yan sa Congressional Policy and Budget Research Department nitong 2021.
Kung mababa riyan ang kinikita sa isang buwan ng isang pamilya na may anim na myembro, below poverty line na sila.
Pero promise, hindi ko ma-imagine kung makakain pa sila ng tatlong beses sa isang araw sa halagang yan sa taas ng mga bilihin ngayon.
Ang paglalamyerda sa isang high-end event sa abroad ay display of wealth at ang display of wealth sa gitna ng extra-ordinary na kahirapan ay sobrang kahalayan at pang-insulto sa tao ng isang pinuno ng bansa.
Pasikreto pa kasi ang peg ng pagpunta sa karera. Nung naglabasan sa social media na nag-e-enjoy sa Grand-Coming-Out-Of-Covid Party si Marcos Jr., nagkandarapa nang maghanap ng isasagot sa mga tao.
Dahil balik Palasyo kayo, kaya balik luxury living? O meron lang talagang pinagmanahang nanay.
Maging halimbawa dapat sina Marcos Jr ng decency, sensitivity at austerity sa panahong may krisis at mga kalamidad.
Pero ayun, higit tatlong buwan ka pa lang sa pwesto, pamamasyal talaga ang inatupag.
On second thought, kung pang-a-unwind yan ni Marcos Jr., pwede ko namang unawain.
Halos araw-araw ba naman ang batikos kung hindi man ay paniningil ng kasaysayan sa mga pinagpapatay nila at pagnanakaw sa bayan.
Napakabigat talaga sa isipan at konsensya yan. Yun e kung may isip at konsensya ka nga.
Ang kaso hanggang nitong September 13, sa AllTV interview, itinanggi nyang diktador ang tatay. Paano ka naman hindi magagalit sa taong ganyan.
Ayaw umamin sa nangyaring kasaysayan at binabaluktot pa. Nasa world history yan at digital imprints o makabagong fossils ng ating panahon.
Good luck sa pamamahala nyo ng gobyerno.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com
Comments
Post a Comment