Digong kay Bongbong: When we see something wrong, we will raise our voice

BABANTAYAN ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Duterte kasabay ang pagtiyak na magiging “fiscalizer” ng Marcos administration ang kanilang partido, sa isinagawang 2022 National Assembly ng PDP-Laban nitong Huwebes sa Pasay City.

“We are not going to quarrel. Far from it. We will be giving our full support for him politically. But the President can be very sure that in the coming days, we will fiscalize. When we see something wrong, we will raise our voice, because that is the essence of our presence here,” pahayag ni Duterte.

Sa nasabing okasyon ay muling nahalal si Duterte bilang chairman ng partido habang hinirang naman si Palawan 2nd district Rep. Jose Alvarez bilang bagong pangulo nito, kapalit ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi.

Tinanghal naman si Senador Robinhood Padilla bilang executive vice president.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2