Gov’t tutulong sa pagresolba sa kaso ng pinaslang na broadcast commentator
HANDANG tumulong ang pamahalaan sa pamilya ng pinaslang na beteranong broadcast commentator na si Percy Lapid.
Ito umano ang mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa pamilya ni Lapid, President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na personal na nagtungo sa lamay ni Lapid sa Paranaque City Huwebes ng umaga.
“We are ready to help. The President wants to send that message,” pahayag ni Bersamin sa asawa’t anak ng biktima.
Iniutos na rin anya ng pangulo na bantayan ang imbestigasyon sa pamamaslang kay Lapid, at nangako na “everything will be done to get to the bottom of the crime.”
Una na ring nangako ang pulisya na bibigyang hustisya ang pagpatay kay Lapid at nagbuo na ito ng task force na siyang tututok sa kaso ng nasawing beteranong journalist.
Comments
Post a Comment