Makabayan bloc isusulong imbestigasyon Percy Lapid slay; mastermind ‘huhubaran’
ISUSULONG ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang imbestigasyon sa Kamara hinggil sa pagpatay sa beteranong broadcast commentator na si Percy Lapid kamakailan.
Naniniwala si Brosas at ang buong Makabayan bloc na “pinatahimik” si Lapid dahil sa pagsusulong ng katotohanan, dahil dito nag-file si Brosas ng House Resolution 468 para imbestigahan ng Kamara ang ginawang pagpatay sa journalist.
“We condemn in the strongest term the extra judicial killing of the veteran journalist Percival Mabasa. In fact nag-file po kami ng House Resolution 468 para paimbestigahan ito pong nangyari na ito… We believe he was silenced due to his advocacy for truth,” Ayon kay Brosas sa isang forum sa Quezon City nitong Biyernes.
Hinimok din ng Makabayan bloc ang administrasyong Marcos na magkaroon ng konkretong hakbang para mapatigil ang media killings at iba pang pag-atake laban sa malayang pamamahayag at free speech.
Si Lapid ang ikalawang journalist na pinatay sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Nitong Setyembre 18, pinatay si Rey Blanco, isa ring radio broadcaster sa Mabinay, Negros Oriental.
Comments
Post a Comment