Marcos bagsak sa isyu ng mahal na bilihin

MATATAAS ang grado na nakuha ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang tatlong buwan ng kanyang panunungkulan hinggil sa mga national issues na kinakaharap ng kanyang administrasyon, maliban lamang sa isa.

Nakakuha ng -11 rating si Marcos dahil sa palpak na performance sa pagtugon sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, o inflation na ngayon ay nasa 6.9 porsiyento nitong Setyembre, ang pinakamataas na naitala sa nakalipas na apat na taon.

Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Setyembre 17-21, matataas ang grado ni Marcos sa 12 pang mga isyu na tinukoy.

Nakakuha ng +75 si Marcos sa mabilisan niyang pagresponde sa mga calamity-hit areas.
Positive 44 percent naman ang nakuha niya sa pag-address sa sweldo ng mga mangagagawa, 45 percent sa job creation at 34 percent naman sa pagtugon sa kahirapan.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2