Nasaan si Leni’: Hindi na po siya opisyal ng pamahalaan, bakit n’yo hinahanap?

KAHIT hindi na opisyal ng pamahalaan si dating Vice President Leni Robredo, tila na-miss siya ng maraming Pinoy, partikular na ang kanyang mga kritiko dahil tila absent ito sa pangunguna sa pagbibigay ng ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Karding.

Samu’t saring post sa social media na may #NasaansiLeni ang umikot at hinahanap ang dating pangulo na kilala sa mga unang opisyal na nag-oorganisa ng mga operasyon para makapagbigay tulong sa mga nasalanta.

“Nakalabas na ‘yung bagyo, wala pa rin si Leni on the ground, akala ko ba lagi siyang nauuna on the ground? ‘Yan ang lider ng mga Kakampanget, puro salita, puro tweet, puro coordinate, walang action, kaya ayaw sa kanya ng mga tao,” tweet ng isang netizen nitong Lunes, gamit ang derogatory term na kakampanget na ang pinatutungkulan ay ang Kakampink.

Ang Kakampink ay sila na mga tagasuporta ni Robredo nitong nakaraang eleksyon.

“Humina na ang bagyong Karding pero si Leni, nasaan?” chika ng isa pang ati-Robredo.

“The president’s team working without much fanfare unlike Lenlen and her team na palaging may pa presscon. #NasaanAngPangulo #NasaanSiLeni,” sabi naman ng isa pa na may Twitter handle na Kilusang Bagong Lipunan.

“Kakamiss si madam leni pag may mga sakuna. Updated sa twitter then photo ops lang saglit. Then bahala na ang mga kakampwet mag praise 🙏 #NasaanSiLeni 
#KardingPH,” ayon naman sa isa pa.

“#NasaanSiLeni Ang babaeng nagmamalaking always on the ground..Di talaga uso sa inyo ang practice what u preach noh? Yung hanggang twitter post lang kau lahat magaling..Sa totoong buhay so out of touch in reality while lying in ur comfty bed. Hypocrites!,” hirit ng isa pa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2