P5.268 trilyong 2023 budget lusot na sa Kamara
PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ang P5.268 trilyong panukalang budget para sa susunod na taon.
Sa botong 289 kontra 3 at walang abstention, kasado na ang General Appropriations bill na una nang sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ang panukalang budget ay mas mataas ng 4.9 porsiyento kumpara sa budget ngayong taong ito.
Nakatakdang magbakasyon ng isang buwan ang Kongreso simula sa Oktubre 1.
Naglaan ng ₱852.8 bilyong para sa sektor ng edukasyon bagamat ito’y tinapyasan ng Department of Budget and Management (DBM) ng P10 bilyon na nakalaan sa state universities at colleges.
Umabot naman sa 40 porsiyento ang itinaas ng budget para sa Department of Agriculture, na kagawaran na pinamumunuan ni Marcos, na nakakuha ng kabuuang P184.1 bilyon budget para sa susunod na taon.
Inasahan na maita-transmit ngayong araw ang aprubadong budget sa Senado para masimulan ang deliberasyon dito.
Comments
Post a Comment