Pagpupugay sa 5 Bulakenyong rescuer

SA oras ng sakuna, aksidente at lalo na tuwing may kalamidad ay nandyan ang mga tunay na lingkod-bayan na hindi ka iiwan.

Sila ang mga kasapi ng rescue team mula sa inyong mga bayan, lungsod o lalawigan.

Noong isang linggo ay laman ng mga balita ang pagkamatay ng aking mga kalalalawigan sa Bulacan na mga kasapi ng Bulacan Rescue Team.

Sila ang mga frontliner sa pagliligtas ng buhay at handang ilagay sa kapahamakan ang kanilang mga sarili.

Tunay na bayani sina George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Jerson Resurrecion, at Narciso Calayag Jr.

Namatay sila sa pagganap ng tungkulin sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Oo nga at bumuhos ang pagkilala pati na ang tulong sa kani-kanilang mga pamilya pero kailanman ay hindi matutumbasan ng pera ang kanilang buhay.

Magsilbi rin sanang wake up call sa atin ang pangyayaring ito sa tuwing may kalamidad tulad ng bagyo lalo na sa mga nakatira sa mga tinaguriang high risk areas.

Kapag sinabi ng mga otoridad na lumikas ay lumikas na tayo lalo’t may mga inihanda namang evacuation areas ang pamahalaan.

Hindi lamang kasi ang buhay ng mga apektadong pamilya ang nasa panganib kundi maging ang mga rescue team members.

Tandaan natin na ang kaligtasan ng bawat isa ay hindi dapat iasa sa gobyerno lalo’t may pag-iisip tayo na dumiskarte para sa ating sarili.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa admin@pinoypubliko.com


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2