State funeral kay FVR sa Agosto 9 may pasok

ITINANGGI ng Palasyo ang kumakalat sa social media na idineklarang special non-working holiday ang Agosto 9, 2022.

“Huwag po tayo maniwala sa mga kumakalat na post sa Facebook at sa iba pang social media platform na idinedeklarang special non-working holiday ang August 9, 2022,” sabi ni Press Secretary Trixie Angeles.

Nauna nang sinabi ni Angeles na magsasagawa ng state funeral sa Agosto 9 para kay Ramos. Ngunit nilinaw nito na walang deklarasyon ang pangulo na ito’y special non-working holiday.

“Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito. Maging mapanuri tayo sa mga nababasa at nakikita na social media,” giit naman ni Angeles.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Malabon rape-slay suspect timbog

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips