Robbery suspect binugbog ng parak, dedbol

SINAMPAHAN ng kasong homicide ang pulis-Leyte kaugnay sa pagkamatay ng isang suspek sa pagnanakaw na kanya umanong ginulpi sa Maasin City, Leyte.

Iniimbestigahan na rin ng PNP-Internal Affairs Office (PNP-IAS) Region 8 si S/Sgt. Ronald Gamayaon, nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Southern Leyte.

Si Gamayon ang idinidiin sa pagkamatay ng isang Gilbert Ranes.

Base sa ulat, nasakote ni Gamayaon ang suspek noong Disyembre 9 sa Brgy. Mantahan, Maasin City.

Makaraang bugbugin sa presinto ay nahirapang huminga si Ranes at namatay.

Dinisarmahan na si Gamayon at kasalukuyang nasa restrictive custody.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding