Posts

1 sugatan, 50 bahay wasak sa buhawi

Image
ISA ang nasugatan at humigit-kumulang 50 bahay ang nawasak sa pananalasa ng buhawi sa Iloilo City at Oton sa Iloilo nitong Martes. Ayon sa ulat, 39 bahay sa mga barangay ng Santo Domingo at Santa Cruz sa Iloilo City ang pinadapa ng buhawi. Isang hindi nakilalang residente ng Santa Cruz ang nasugatan nang mabagsakan ng puno ang kanyang bahay. Sa Sto. Domingo, anim ang totally damaged at 15 ang partially damaged habang sa Santa Cruz ay anim ang totally damaged at 12 ang partially damaged. Samantala sa Oton, nasa 15 bahay sa Brgy. Alegre ang nasira at ilang puno ang bumagsak dahil ng buhawi. Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng mga pinsala.

PUBs sinabihan na kumuha ng fare matrix para sa operasyon sa Edsa bus carousel

Image
PINAYUHAN ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility buses (PUBs) na kumuha ng fare matrix na magiging basehan ng kanilang singil ngayong tapos na ang libreng sakay. “Ang Fare Matrix/Guide ay nagbibigay awtoridad sa mga PUV drivers na sumingil ng pasahe base sa fare rate na nakasaad sa naturang Fare Matrix/Guide,” sabi ng LTFRB. Idinagdag ng LTFRB na aabot sa 550 ang nabigyan ng permit para bumiyahe sa EDSA bus carousel. “Mapapalitan din ang ibang Point-to-Point Bus ng dalawang consortia sa EDSA Busway ng PUB units na pasok sa specifications ng iba pang PUB units sa naturang ruta. Ang mga ipapalit na PUB ay kailangang mag-apply ng special permit bago makapasada sa EDSA Busway,” dagdag ng LTFRB.

Robredo balik-Pinas matapos ang trabaho sa US

Image
IBINAHAGI ni dating Vice President Leni Robredo na nakatakda na siyang bumalik sa bansa matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Amerika. “Last stretch of my US trip. In two days, I will be back home in Manila. Drove from New York to Boston this afternoon. Unlike our Boston-New York-Pennsylvania trip last Dec 22, there was not a lot of traffic today. It took us a little less than four hours to drive the 332 kilometer distance (with one stopover),” sabi ni Robredo sa kanyang Facebook post. Ikinumpirma rin ni Robredo ang biyahe mula Naga hanggang Maynila kung saan inaabot ito ng walong oras. “Naga is 409 kilometers from Manila. It takes about eight hours by private car (more by bus). Hindi masamang mangarap na umiksi na din travel time. Hindi lang makakauwi ng mas madalas pero maraming negosyo ang mabubuhay,” aniya. Ayon pa kay Robredo, magkakahiwalay sila ngayon ng mga anak kung saan nasa Chile si Tricia para sa kanyang pag-aaral. “Iniwan namin si Aika sa New York pero flying out t...

Marcos-Xi bilateral meeting nakatakda ngayong araw

Image
NAKATAKDANG magsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jingping ngayong Miyerkules, Enero 4, 2023. Dumating si Marcos sa Beijing Martes ng gabi. Inaasahang kabilang sa matatalakay sa kanilang bilateral meeting ang isyu ng West Philippine Sea. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang 100 kasunduan ang pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at China. Kabilang sa kasama sa opisyal na delegasyon ni Marcos ay si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Nagpapatupad naman ng mahigpit na health protocol ang China sa mga kasama sa delegasyon, kabilang na ang RT-PCR test. Mananatili lamang sa hotel ang mga miyembro ng media at dadalhan lamang ng pagkain sa kanilang mga kuwarto. (30)

Kapos ang sahod

Image
HAPPY New Year!’ ‘Yan ang parati nating greeting sa pagpasok ng bagong taon. Patuloy na umaasa na magiging happy tayo sa buong taon. Depende na lang siguro kung ano ang ibig sabihin natin ng happy o ano’ng bagay, sitwasyon o kanino tayo nagiging masaya. Pwedeng masaya dahil buo at magkakasama ang pamilya. O kahit hirap sa buhay, happy tayo dahil kapanalig ang Diyos sa lahat ng pagsubok. O kaya naman ay sagana tayo sa buhay kaya happy. Wish natin, marami ang maging prosperous ngayong 2023 kahit pa taon-taon na lang sa nagdaang administrasyon mula kay Tita Cory hanggang kay Digong, sinasabi ng mga ekonomista na umaangat ang Gross National Product o GNP ng Pilipinas. Hindi pa nga lang daw ito agad mararamdaman ng maraming Pinoy. Ganyan parati ang linyahan ng bawat administrasyon. Pero kung pagbabasehan ang World Bank report na inilabas noong November 24, 2022, pang-15 ang Pilipinas sa 63 bansa pagdating sa income inequality. Sa WB report, 17 porsyento ng kabuuang national inco...

Michael V. sinopla bashers ng ‘Voltes V Legacy’

Image
BINUTATA ni Kapuso comedian Michael V. ang mga netizens na bina-bash ang trailer ng “Voltes V Legacy” ng kanyang home network. Sa Facebook, sumulat ng mahabang hanash si Bitoy ukol sa ipinalabas na trailer ng nasabing series. “Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!” sabi niya. Dagdag niya na masaya siya sa mga positive comments ukol sa trailer. “Pero s’yempre hindi mawawala ‘yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers. Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion,” dagdag niya. May hirit pa si Bitoy sa mga bashers: “Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. Happy 2023!’

Edsa Bus Carousel may bayad na

Image
SIMULA kahapon, Enero 1, ay may bayad na ang pagsakay sa Edsa Bus Carousel makaraang matapos ang ipinaiiral na programang “Libreng Sakay” ng pamahalaan. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kailangan nang magbayad ng ₱75.50 ang mga sasakay ng bus ng EDSA carousel mula Monumento sa Caloocan hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Noong Lunes, dagdag ng LTFRB, ay nagsimula nang mago-operate ang EDSA bus rapid transit service sa ilalim ng “Fare Box Scheme” alinsunod sa fare matrix ng ahensya. Matatandaan na hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng ₱12 bilyon budget para sa pagpapatuloy ng programa sa 2023. Ibinasura naman ng DBM ang hiling ng DOTr dahil hindi ito “regular item” at ipinatupad lamang upang tulungan ang transportation sector sa gitna ng pandemya.