Edsa Bus Carousel may bayad na

SIMULA kahapon, Enero 1, ay may bayad na ang pagsakay sa Edsa Bus Carousel makaraang matapos ang ipinaiiral na programang “Libreng Sakay” ng pamahalaan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kailangan nang magbayad ng ₱75.50 ang mga sasakay ng bus ng EDSA carousel mula Monumento sa Caloocan hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Noong Lunes, dagdag ng LTFRB, ay nagsimula nang mago-operate ang EDSA bus rapid transit service sa ilalim ng “Fare Box Scheme” alinsunod sa fare matrix ng ahensya.

Matatandaan na hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Department of Budget and Management (DBM) na maglaan ng ₱12 bilyon budget para sa pagpapatuloy ng programa sa 2023.

Ibinasura naman ng DBM ang hiling ng DOTr dahil hindi ito “regular item” at ipinatupad lamang upang tulungan ang transportation sector sa gitna ng pandemya.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2