Marcos-Xi bilateral meeting nakatakda ngayong araw

NAKATAKDANG magsagawa ng bilateral meeting sina Pangulong Bongbong Marcos at Chinese President Xi Jingping ngayong Miyerkules, Enero 4, 2023.

Dumating si Marcos sa Beijing Martes ng gabi.

Inaasahang kabilang sa matatalakay sa kanilang bilateral meeting ang isyu ng West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), inaasahang 100 kasunduan ang pipirmahan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Kabilang sa kasama sa opisyal na delegasyon ni Marcos ay si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagpapatupad naman ng mahigpit na health protocol ang China sa mga kasama sa delegasyon, kabilang na ang RT-PCR test.

Mananatili lamang sa hotel ang mga miyembro ng media at dadalhan lamang ng pagkain sa kanilang mga kuwarto. (30)


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2