6.1 magnitude na lindol yumanig sa Cagayan

NIYANIG ang Cagayan ng magnitude 6.1 na lindol alas-2:40 Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivols).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lokasyon ng lindol, na may lalim na 66 kilometro, 11 kilometro silangan ng Dalupiri Island Calayan, Cagayan.

Naitala ang intensity 5, sa Claveria Cagayan; intensity 4 sa Laoag City, Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga at Penablanca, Cagayan.

Samantalang intensity 3 naman sa Vigan City, Sinait, Ilocos Sur.

Ayon pa sa Phivolcs, inaasahan ang mga aftershocks.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Malabon rape-slay suspect timbog

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips