Bongbong sumaludo sa mga dating tauhan ng pamilya

BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga dating aides ng kanilang pamilya.

Sa tinaguriang “walk of closure” na ginanap sa Malacanang grounds, sinaluduhan ni Marcos Jr. ang dating escort ng ama na si Lt. Col. Delmar Magno; dating security officer ng kapatid na si Irene na si 1st Lt. Menandro Espineli; at dating presidential nurse na si Lt. Col. Fe Castro.

Hindi umano pormal na nakapagpaalam ang pamilya Marcos sa tatlo dahil kinailangan nilang agad makalabas ng bansa noong kasagsagan ng Edsa People Power Revolution noong 1986.

Sumakabilang-buhay si Marcos Sr. sa Hawaii noong 1989.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding