Libreng sakay sa Edsa carousel bus tuloy; estudyante libre naman sa MRT, LRT, PNR

PINALAWIG ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ngayong Biyernes ang libreng sakay sa EDSA Carousel bus matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Department of Transportation (DOTr).

Bukod dito, libre rin ang sakay sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2, at PNR sakaling magsisimula na ang face-to-face classes sa Agosto.

Nakipagpulong si Marcos kina Transportation Secretary Jaime Bautista at Executive Secretary Vic Rodriguez sa Palasyo ngayong araw.

Mananatili ang libreng sakay sa EDSA Carousel hanggang Disyembre 2022.

Ipatutupad din ng DOTr ang libreng sakay para sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2, at PNR. Una nang nagtapos ang libreng sakay sa MRT3 nitong Hunyo 30.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding