Marcos itinalaga si Calida bilang COA chief

ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos si outgoing Solicitor General Jose Calida bilang susunod na Chairman ng Commission on Audit (CoA).

Inihayag ni incoming Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang pagkakahirang kay Calida.

Umupo si Calida bilang undersecretary ng Department of Justice noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo mula 2001 hanggang 2004.

Samantala, uupo naman si Jose Arnulfo “Wick” Veloso bilang pinuno ng Government Service Insurance System (GSIS).


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2