Obiena muling nakaginto

NASUNGKIT ni EJ Obiena ang gold medal sa men’s pole vault event ng 2022 Jump and Fly tournament sa Hechingen, Germany ngayong Linggo.

Nakapagtala si Obiena ng 5.80 metro para makuha ang ginto.

Nakuha ni Huang Bokai ng China ang silver medal matapos magtala ng 5.50 metro samantalang naiuwi ang bronze ni Vincent Robbie ng Germany matapos makakuha ng 5.10 metro.

Hindi naman nabura ni Obiena ang 
Asian record niya na 5.94 metro matapos ang dalawang pagtatangka.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Malabon rape-slay suspect timbog

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips