15,000 pulis ikakalat sa unang SONA ni BBM

AABOT sa 15,000 miyembro ng National Police at iba pang security forces ang ipakakalat sa nalalapit at kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 25.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, bubuuin ng iba’t ibang composite teams ng PNP at iba pang security forces ang mangangalaga ng seguridad at kaayusan sa SONA.

“They will be fielding around 15,000 composite teams from the PNP and other security forces,” ani Fajardo.

Bukod sa mga miyemrbo ng National Capital Region Police Office, kasama rin sa security contingent ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Metropolitan Manila Development Authority.

Ayon kay Fajardo, nakikipagpulong na ang mga opisyal ng NCRPO sa mga kinatawan mula sa cause-oriented groups para matiyak na magiging maayos ang mga kilos-protesta na gaganapin sa panahon ng SONA.

Sinabi niya na ang mga militanteng grupo ay maaaring magsagawa ng mga rally sa Quezon City Memorial Circle.

Hindi malinaw kung papayagan ang mga nagpoprotesta na gamitin ang Commonwealth Avenue bilang venue para sa mga kilos-protesta tulad ng mga nakaraang SONA.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2