94% Pinoy pabor sa 100% face-to-face classes – survey

TINATAYANG 94 porsiyento ng mga Pinoy ang pabor sa 100 porsiyentong face-to-face classes.

Base sa isinagawang survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Hunyo 24 hanggang 27, apat na porsiyento lamang ang ang hindi makapagsabi kung sila ay pabor o hindi at dalawang porsiyento ang tutol.

Kabilang sa pabor sa in-person classes ang Class ABC (85%), D (96%), and E (92%).

“Kung pakikinggan natin ang ating mga kababayan, makikita nating napakalakas ng panawagan para sa pagbabalik ng face-to-face classes. Hindi na natin maaari pang ipagpaliban ang pagbabalik ng ating mga kabataan sa paaralan at hindi na natin dapat hayaang mahuli ang sektor ng edukasyon mula sa pagbangon natin sa pandemya,” sabi ni Sen. Sherwin Gatchalian.

Nauna nang inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na balak nitong simulan ang 100% face-to-face classes sa Nobyembre.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2