Bagets sinuntok ng naalimpungatang kaklase, todas

NASAWI ang 17-anyos na mag-aaral makaraang suntukin sa leeg ng kaklase na kanyang ginising sa Guinayangan, Quezon kamakailan.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktima dahil sa respiratory failure secondary to blood trauma to the throat.

Ayon sa mga doktor, napuruhan ang Adam’s apple ng biktima nang suntukin ng suspek.

Napag-alaman na nag-overnight sa isang resort ang biktima at ang suspek kasama ang iba pa nilang kaklase para ipagdiwang ang kanilang senior high school graduation.

Kinabukasan ay ginising ng biktima ang suspek dahil uuwi na sila nang naalimpungatan ang huli at sinuntok ang kaklase sa leeg.

Nang makitang nahihirapang huminga ang biktima ay agad itong dinala sa ospital ng mga kaklase.

Itinanggi naman ng suspek na sinadya niya ang pagpatay.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips

Mga dapat ihanda tuwing may malakas na bagyo, according sa isang nanay