Bilang ng jobless Pinoy pumalo sa 2.93M

UMAKYAT sa 2.93 milyon ang mga Pinoy na walang trabaho ang naitala ngayong Mayo 2022 matapos pumalo ang unemployment rate sa 6.0%.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ng .03 porsyento ang unemployment rate kumpara sa 5.7 porsyento na naitala noong Abril 2022.

Gayunman, mas mababa ito kumpara sa unemployment rate na naitala noong Mayo 2021 na nasa 7.7 porsyento.

“The number of unemployed persons in May 2022 was estimated at 2.93 million compared to 3.74 million in the same period last year. In April 2022, the number of unemployed persons was reported at 2.76 million,” dagdag ng PSA.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2