Jodi dumalo sa binyag ng anak ng ex-husband

ISA umano si Jodi Sta. Maria sa mga ninang ng bunsong anak ng kanyang ex-husband na si Pampi Lacson at partner nitong si Iwa Moto.

Sa ipinost na mga larawan ni Iwa sa kanyang Instagram page, makikita si Jodi kasama ang anak kay Pampi na si Thirdy sa binyag ni Caleb Jiro.

Caption ni Iwa: “Thank you ninong and ninangs!!! We love you!! CJ you are lucky that you are surrounded with prople that love you so much. Anak alam mong mahal na mahal ka namin. And we will always be here for you. Always and forever. To infinity and beyond.”

Co-parenting sina Jodi at Pampi kay Thirdy habang malapit na rin ang Kapamilya actress kay Iwa kaya hindi na kakatwa na makita silang magkakasama.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding