Kaso ng dengue sa Calabarzon umangat ng 40%

TUMAAS ng 40 porsiyento ang kaso ng dengue sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ayon sa Department of Health.

Sinabi ni DOH-Calabarzon regional director Dr. Ariel Valencia na nagtala ng pagtaas ng kaso ng dengue ang Cavite, Laguna, Batangas at Rizal dahil sa tag-ulan at pagtaas ng mobility.

Ayon sa report, nakapagtala ang Calabarzon ng 5,571 kaso ng dengue o 40 porsyentong mas mataas kaysa sa 3,989 na nairekord sa katulad na panahon noong 2021. May 12 ang naiulat na namatay.

Ang Laguna ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng kaso na pumalo sa 1,806 at sinundan naman ng Rizal na may 1,161 at Quezon, 987.

Nakapagtala ang Cavite ng 802 kaso; Batangas, 745, at Lucena, 70.

Lumabas sa datos ng DOH na ang edad ng mga pasyente ng dengue ay mula dalawa hanggang 60.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2