Nasawi sa dengue ngayong taon pumalo sa 274
INIULAT ng Department of Health (DoH) na nakapagtala na ng 64,797 kaso ng dengue sa bansa mula Enero 1 hanggang June 25, 2022, mas mataas ng 90 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.
Base sa datos mula sa DOH, umabot lamang sa 34,074 ang mga kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 25, 2022.
Ayon pa sa kagawaran, mula Mayo 29 hanggang Hunyo 25, 2022, tinatayang 21,115 kaso ng dengue ang naitala, karamihan ay Central Luzon, na may 3,902; Central Visayas, 2,316 at Metro Manila, 1,997.
Umabot naman sa 274 ang mga nasawi dahil sa dengue, kung saan 63 rito ay naitala noong Mayo.
Comments
Post a Comment