Opis ng Vice President ililipat sa Mandaluyong

LILIPAT ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Mandaluyong City.

Ito ang kinumpirma kamakailan ng tagapagsalita ni Duterte na si Reynold Munsayac.

“The OVP confirms that it is preparing to move to a new office in Mandaluyong City. The new location will be able to accommodate all the co-term, casual, and permanent employees of the OVP,” paliwanag ni Munsayac.

Ayon pa kay Munsayac, ang paglalagay sa mga empleyado ng OVP sa isang lugar “will enhance efficiency, economy, and result in streamlined processes.”

Gayunman, wala pang ibinigay na kumpletong detalye kung saan ang magiging bagong tanggapan ng bise presidente.

Ang kasalukuyang OVP ay nasa Quezon City Reception House kung saan nag-opisina si dating Vice President Leni Robredo.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2