Pope Francis magbibitiw nga ba?

ITINANGGI ni Pope Francis na may plano siyang magbitiw sa pwesto dahil umano sa kanyang seryosong karamdaman.

“It never crossed my mind,” sabi ni Francis.

Aniya, wala siyang planong gayahin ang kanyang pinalitan na si Benedict XVI, na nagbitiw.

“For the moment, no. For the moment, no. Really!” ayon pa sa Papa.

“We don’t know. God will say,” dagdag ni Pope Francis.

Itinanggi niyang siya ay may stomach cancer matapos na maoperahan sa colon noong Hulyo 2021.

Nakatakdang bumiyahe si Pope Francis sa Canada ngayong buwan. Nais din niyang bumiyahe sa Moscow at Kyiv.

Nauna nang nagsabi ni Pope Francis na nakahanda siyang pumagitna sa nagaganap na gera sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding